Benigno Bam Aquino: “Ituloy ang laban sa kahirapan”

teampnoy-thumb400-bamSa unang araw ng kampanya, inilahad ni LP senatoriable Benigno Bam Aquino ang kanyang plataporma para labanan ang kahirapan sa bansa. Ayon kay Aquino, na pinarangalan na ng iba’t-ibang award-giving bodies
sa loob at labas ng bansa para sa kanyang programang pangkabuhayan na tinatawag na Hapinoy, “Kung noon, ang tawag ng panahon ay labanan ang diktadura at itaguyod ang demokrasya, ngayon naman ang tawag ng panahon ay labanan ang kahirapan.”

Ani Aquino, 35, na pinsang-buo ni Pangulong Benigno Aquino III, “Ngayong umaarangkada na ang Pilipinas sa Tuwid na Daan, panahon na para tugunan ang mga pangangailangan ng ating mga kababayang kumakalam pa rin ang tiyan. Ang sabi nga ni Pangulong Noy, ‘Kung walang corrupt, walang mahirap.’ Ngayong tinutugis na natin ang korupsyon, puntiryahin naman tayo sa pagtugis sa kahirapan.”

Para sa nakababatang Aquino, tatlo ang magkakatuwang na programa para labanan ang kahirapan: “Edukasyon, trabaho, at suporta sa mga pinakamaliliit na negosyo.”

“Walang saysay ang pagtatapos ng ating milyong-milyong mag-aaral taun-taon kung hindi sila magkakaroon ng trabaho. Hindi sapat ang enrollment to graduation, dapat ay enrollment to job placement.”

Ayon kay Aquino, bagama’t maraming trabahong nakaabang sa mga kabataan, tulad na ng sa mga call center, kakaunti lang ang mga nakakapasok rito dahil sa kakulangan ng skills. “Limang porsiyento lang ng mga nag-aaply sa call center ang natatanggap dahil sa kakulangan ng mga skills na dapat sana’y natutunan na nila sa paaralan.”

Itutuloy rin ni Aquino ang kanyang suporta sa mga pinakamaliliit na negosyo, tulad ng kanyang nagawa na sa Hapinoy, sa pamamagitan ng access sa pondo’t pautang, training at support services, at access sa merkado. “Mahigit sa 90% ng nagnenegosyo sa Pilipinas ay mga micro-enterprises, mga pinakamaliliit na negosyo. Imbes na maging pabigat ang gobyerno sa mga negosyante, dapat nitong padaliin ang mga proseso ng pagnenegosyo sa bansa para mas padaliin ang paghanapbuhay.”

Si Aquino ang pinakabatang kandidato ng Partido Liberal at siya ring naging pinakabatang pinuno ng isang national agency noong siya ay maging Chairman ng National Youth Commission sa edad na 35. Siya rin ay hinirang bilang isa sa Ten Outstanding Young Men (TOYM) of the Philippines noong 2010, at isa sa mga Ten Outstanding Young Persons of the World (TOYP) noong 2012.

# # #

FOR MORE INFORMATION, CONTACT:

Aida Javier
aidadina_javier@yahoo.com
(0917) 527 4466
(0918) 827 4466

liberalphBenigno Bam Aquino: “Ituloy ang laban sa kahirapan”

Related Posts

'